Lants Baks

Lants baks

Sabi nila life begins at 40. Pero sa buhay ko, parenthood begins at 40. Kapwa 40 taong gulang ang mga magulang ko nang biyayaan sila ng una at huling anak. Ako. At dahil menopausal baby ako at ‘di pa kapayatan ang nanay ko, namayapa ito. Pero ‘wag kayo mag-alala, normal pa ang tatay ko. Maraming trabaho ang tatay ko o “Mang Yoyong” kung sya’y tawagin ng karamihan. Pero lahat, ‘di regular. Elementarya lang kasi ang natapos nya. Spotter sa bilyaran, nagkukumpuni ng mga kagamitan sa bahay at kung anu-ano pang abubot, at naging head din! Head ng mga kargador sa Pier.

Unang araw ko noon sa kindergarten. Hinatid nya ako hanggang gate. “oh Ruth, ok lang bang ‘di na kita sasamahan sa loob?”

“Syempre naman po Daddy, sige umuwi ka na po.” Ang mayabang kong sagot habang kinukuha ang bag ko sa kanya. Dahil nga mahirap lang kami, pinalaki ako ni Daddy na independent. Pero piling ko dahil solong anak lang ako, mayaman kami kaya dapat lang na Daddy ang tawag ko sa kanya.

“Brod, pakitingin na lang anak ko ha.” Ito ang lagi nyang bilin ka y Goma (o Gumamela sa tunay na buhay), ang gwardiyang babae ngunit pusong lalaki sa aming paaralan.

“Sige boss, basta ikaw!”

Laging ganoon ang takbo ng maghapon ni Daddy, ginugugol nya sa pag-aasikaso sa akin at sa mga sidelines nya. Sinusuklian ko naman iyon ng katalinuhan,lagi akong nasa unang pangkat. Ang buong akala ko kasi walang ibang mahalaga kundi iyon. At dahil piling mayaman nga ko, gusto ko laging pera ang baon ko.

Isang araw habang bumibida ako sa pagtula sa harap ng klase, isang matipuno’t gwapo ngunit matandang lalaki ang kumatok sa pintuan ng aming silid.

“Ah eh.. Good morning po Ma’am. Excuse po sana kay Ruth.” Sabay taas ng mga kamay bitbit ang isang lunchbox.

“Oh Ruth, ang sweet naman ng lolo mo, hinahatiran ka pa ng baon!”

“Ay anak ko po sya.”

Kahihiyan ang naramdamdaman ko ng mga oras na iyon. ‘Di cool. ‘Di pangmayaman. ‘Di bagay. Mabilis kong kinuha ang baon at tsaka umupo nang ‘di man lamang nagpasalamat sa nagbigay.Kinagabihan bago ako matulog, natagpuan ko ang isang pilas ng papel na nakalagay sa ilalim ng aking unan. Isang sulat mula kay Daddy;

Baby Ruth,

Hindi lahat ay nabubuhay sa papel at pilak. ‘di man kita napababaunan ng pera, punong puno naman ng pagmamahal ang pagkaing inihahatid ko sa iyo araw-araw. Mapalad ka dahil ang iba dyan, wala nang pagkain, wala pang pagmamahal.

Sa kabila noon, araw-araw pa rin akong hinahatiran ng baon ni Daddy, araw-araw ko rin syang kinakahiya.

Isang pangyayari pa ang lalong nag-udyok sa akin upang ikahiya si Daddy.

“Daddy, family day po sa school bukas. Bilisan mo po pagsasalita ha. Nakakahiya kasi kung magtatanong pa sila bakit ‘di tayo kumpleto.”

“’Wag ka mag-alala anak, ako bahala.”

Kinabukasan, pagkahatid ni Daddy sa akin ay agad itong nagpaalam at nangakong babalik para sa Family Day. Nag-uumpisa na ang programa nang isang ‘di mawaring tao ang pumasok at palingun-lingon. Bigla itong lumapit sa akin at niyakap ako, “Ruth anak! Oh ayan ha, pinaghandaan ko ‘to! Tinupad ko pangako ko sa’yo!” ang taong ‘di mawari, si Daddy pala! Nag-doble kara! Ang kanang bahagi ay sya at angkaliwa naman ay binihisang parang si Mommy! Wala akong ginawa kundi ang yumuko.

Pag-uwi ay meron nanaman akong love letter;

Baby Ruth,

Walang kwenta ang maganda, sexy, pogi, matipuno, kung nilalangaw naman ang ugali. Lagi mong tatandaan na ang kalooban ang templo ng iyong pagkatao.

Kahit noong hayskul na ay hinahatiran pa rin ako ni Daddy ng pagkain. Hayskul din ng unag beses akong makasama sa filed trip. Mas excited pa nga si daddy kesa sa akin. Pinabaunan nya ako ng egg sandwich para sa almusal, piniritong itlog at kanin para sa tanghalian, at 2 pirasong nilagang itlog para sa meryenda. Pero ‘di lang iyon, baon ko rin syempre ang mga pangaral nya. At gaya ng dati, meron uling love letter pag-uwi ko;

Ruth, (‘di na baby)

‘di kita tatanungin kung nag-enjoy ka ba dahil dapat lang na nag-enjoy at sumaya ka. ‘di lahat ay nakakapamasyal s iba’t ibang lugar. At higit sa lahat ay dito pa sa sarili mong bansa. Bago ka lumibot sa buong mundo, tuklasin mo muna ang ganda ng Pinas. Huwag maging dayuhan sa sariling bansa.

Kolehiyo. Sa maniwala kayo’t sa hindi, hinahatiran pa rin ako ni Daddy ng baon. Sumasabay sya sa tren na minamaneho ng isa sa mga suki nya sa repair shop. Tuwing ika-12 ng tanghali, nakikipagkita ako sa isang matandang kulubot ang balat, naglalakad sa tulong ng niresiklong tungkod (hawakang ng payong + sirang tubo ng gripo + lumang swelas = tungkod ni Daddy), hukot, naniningkit ang mga mata sa kalabuan. Sa tabi ng riles ng tren ang aming tagpuan.

“Oh Doc Ruth, heto na ang baon mo.” Yan ang lagi nyang linya at muling sasabay pabalik sa tren. Kumakaway pa sya habang palayo na ng palayo ang tren.

Hanggang sa nagbunga rin ang ilang taong pagiging iskolar ko. Sa wakas, isa na akong ganap na doktor! At dahil sa angking galing ko, iba’t ibang kumpanya ang nag-alok sa akin. Tuwang tuwa rin si Daddy!

Isang gabi habang kami’y naghahapunan..

“Oh ano Dok, kailan ka ba.. Kwan… Mag-uumpisa sa Sen Luk?” ang tanong ni Daddy habang dahan dahang sinasandukan ng kanin ng aking pinggan. Lagi kong binibilisan ang pagkain dahil hindi sya kumakain hanggat ‘di pa ako tapos. Nakangiting nanonood ang proud daddy sa anak nyang maganang kumain. (na kulang na lang ay sabayan pa ng kantang ‘Sinasamba Kita”)

“Dy.. ‘di po ako sa St. Lukes. “

“Ha? Eh kamo gusto mo sa praybet?”

“Opo nga, gusto ko nga po sa private pero ‘di dito. May offer sa akin sa Canada. At ang laki Daddy! Syempre tinanggap ko na po agad! Mamaya, makuha pa ng iba eh!” wala akong narinig na tugon niya. “At tsaka Da..” natigilan ako ng makita ko ang reaksyon ng kanyang mukha. Alam ko ang ibig sabihin ng mukhang iyon. Ang mga masasaya nyang mata’y piniringan ng gulat at lungkot. Ang masayahing si Mang Yoyong ay sa isang kisap-mata, naging imahe ng kahinaan. Walang ibang gumagalaw sa kanya kundi ang manipis nyang ubang dinandala ng hangin mula sa kakarag-karag na bintilador.

“Dy! Bakit parang natuklaw ka po ng ahas dyan? Ayos ka lang po ba?” sabay ang pagtapik sa kanyang kanang braso.

“Ikaw. Tila ikaw nag natutuklaw. Tinutuklaw ka ng idealismo ng paghahanap-buhay sa ibang bansa.”

Ang saradong isip na ako, inis na sinagot si Daddy, “Ano po ba yang piangsasasabi nyo? Kakapanood yan ng telefantsya eh! Don’t worry kasama sa pinirmahan kong kontrata ang isama kayo at sila na nag mag-aasikaso ng lahat!”

“Anak, bakit hindi mo muna pagsilbihan ang sarili mong bansa? Ito ang realidad. At hindi ito nakakatuklaw.”

“Pagsilbihan?! No way Daddy! Wala nang pag-asa ang bansang ‘to! Sayang lang ang propesyon ko!”

At iyon na nga ang huling hapunan namin sa Pinas. Dahil matanda’t mahina na si Daddy, wala na syang nagawa at ako pa rin ang nasunod. Welcome Canada na ng sumunod na tagpo. Tulad ng aking hinangad, umunlad ang buhay- pinansyal namin doon. Kumuha na rin ako ng katiwala na makakasa-kasama ni Daddy sa loob ng bahay. Si Maria. Isang OFW. Unti- unti na akong naging sikat at abala. Ni wala na nga akong oras para dalhin ang baon ko. Tama. Hanggang sa Canada ay ipinagpatuloy ni Daddy ang kanyang paboritong gawain. Maaga syang gumigising para ipaghanda ako ng baon. At tulad ng dati, ‘di ko pinahahalagahan iyon.

“Oh anak, pasensya na, hirap na akong maglakad kaya ‘di na kita mapupuntahan para ihatid ang baon mo. Kaya heto at dalhin mo na lang.”

“Bye Dad, gonna be late na..” iyon lagi ang sagot ko para lang makaiwas sa pagdala ng cheap na pagkaing pinaghihrapan nyang gawin. Sa kabila noon ay araw-araw pa rin syang umaasa at nabibigong dadalhin ko iyon.

Hanggang isang umaga, sa kalagitnaan ng pakikipagpulong ko sa mga boss…

“Excuse me Doc, sorry for butting you in, but..” pumasok ang sekretarya ko at ‘di pa sya tapos magsalita nang bigla na lamang pumasok ang isang matanda mula sa kanyang likuran. Si Daddy?! Kasama pa si Maria.

“Teng kyu Miss ha! Hi! Hello!” ang pagbati ni Daddy sa pulong. Sabay bukas ng baunang dala-dala nya. “Oh lagi mo kasi naiiwanan, ayan, nagpasama ako kay Maria at pinilit kong makalakad para madala ko sa iyo ‘tong baon. “ sabay sabay na  nagsipagtakipan ng ilong ang maga kapulong ko.  “What’s that smell?!” Disgusting!” ang hirit pa ng isa.

“Excuse me.”agad kong niyaya palabas sina Daddy at Maria.

“Dy! Salmon yan ah! Bakit mo po ginawang tuyo?!”

“Eh ‘diba paborito mo’to? Sa Pinas eto ang…”

“Stop it!”ang ambilis kong bulalas kay Daddy at tsaka ako humarap kay Maria at sumigaw “I am in the middle of a very important meeting! Bring this old man home! He’s ruining my promotion!”  Pagbalik ko ng tingin kay Daddy, muli ko nanamang nasilayan ang isang pamilyar na mukha. Ganoon din ang mukha nya noong malaman nyang pupunta na kami sa Canada. Oo, elementarya lang ang natapos ni Daddy pero ‘di sya mangmang. Alam kong naintindihan nya ang bawat salitang isinigaw ko sa pagmumukha nila ni Maria. Naintindihan nya iyon kahit pa may Canadian accent ang pagkakabigkas ko nito. Pero hindi ko ininda iyon. Wala akong pakialam. Binalak ko pa ngang pagsabihan pa syang muli pag-uwi ko. Dahil hanggang ngayon ay pakiramdam ko hinihiya pa rin nya ako! Pagdating sa bahay, mabilis akong dumiretso sa silid ni Daddy pero wala sya doon. Sa kusina, baka nagluluto? Wala. Sa hardin marahil ay nagmumuni-muni? Wala pa rin. Wala sya sa buong bahay. Wala rin maging si Maria. Tinawagan ko ang huli at doon ko nga nalaman na itinakbo pala si Daddy sa ospital. Kararating lang daw nila sa bahay nang bigla na lamang nagsikip ang paghinga nito. Mahigpit na bilin nitong huwag munang ipaalam sa akin hanggat ‘di ako umuuwi para hindi makagambala sa pagtatrabaho. Agad-agad ko silang sinundan sa ‘nasabing ospital at agad-agad ring napalitan ng kusnsenya’t pagsisisi ang inis na nararamdaman ko. Pagsisising dinalangin kong sana’y hindi pa huli.

Sa madaling salita, natuklasan kong may sakit pala si Daddy.

“Hi. I heard a lot about you. That’s why I know that you’ve been here for a couple of years now.” Ang bungad ng doktor na gumagamot kay Daddy.

“Wait a minute, I don’t have time to chitchat. What’s wrong with my father? Just tell me. Tell me now.” Ang iritado kong sagot sa kapwa doktor na akala ko ay may gusto lang sa akin.

“I know. That is why I am telling you that your father is too old and had a hard time adjusting with the weather. The patient has an Aspiration Pneumonia. I suggest you let him undergo a series of tests and therapy. It can prevent the illness.”

Kahit ako mismong anak nya ay walang nagawa. Masyadong maselan ang kalagyan ni Daddy. Ang pinagmamalaki kong propesyon at kasikatan walang laban sa kapalaran.

Hospital room 615. Dito na ako halos namamalagi, binawasan ko na rin ang oras ng pagtatrabaho. Umuuwi lang ako para ipaghanda ng pagkain si Daddy. Tignan mo nga naman. Ang dating hinahatiran ng baon, sya na ngayon ang naghahatid ng pagkain at doon pa sa taong halos buong buhay nyang ikinahiya. “Dy.. here’s your food..Specially cooked for you” at tsaka sya sasagot, “Kausapin mo ako ng maayos.” Hindi kami nag-aaway o kung ano pa man, ang pakahulugan lang nya ay magsalita ako gamit ang sariling wika.

“Hay.. Tatay.. Kumain ka na p o. Ako nagluto nyan!” at tsaka magsisimula ang imahe ng naglalambingang mag-ama.

Matapos ang ilang buwang gamutan, magandang balita! Maayos na ang kalussugan ni Da… Ni Tatay! Pagkauwing pagkauwi naming, “Nak.. Uwi na tayo.” ani ni Tatay habang tulala.

“Tay, nandito na po tayo sa bahay.”  Winagayway ko pa ang mga kamay ko sa harap ng mga mata nya.

“Hindi ako bulag, ang ibig kong sabihin ay umuwi na tayo sa Pilipinas. Sa dati nating bahay. Doon ko gusto mamatay. Abo ko man lang maging bahagi muli ng bansa ko.”

“’Wag nga po kayo magsalita ng ganyan! Sabi ng doktor, pwedeng ‘di an bumalik ang sakit nyo basta alagaan! At isa pa, hindi mabuti para sa kalusugan nyo na bumalik pa sa squatters!”

Yumuko sya’t bumulong “Dito ba, ok?”

Oo nga pala hindi nga pala nakayanan ng kanyang matandang katawan ang biglang lamig dito sa Canada. Mas sanay kas ito sa alinsangan ng Maynila wala akong ibang nasagot kundi, “Narinig ko po iyon. Sige po aasikasuhin ko na ang pag-uwi natin.” At nasilayan ko na ang fill in the blanks na ngiti ni Tatay.

Matapos ang 2 linngo, nagbitiw na ako bilang manggagamot ng mga puti. Nagbalik na kami ni Tatay sa Perlas ng Silangan, kasama na rin si Maria. Bumili ako ng bahay at lupa malapit sa dati naming tirahan. Hindi maliit, hindi rin naman ganoon kalaki tulad ng bahay ko sa Canada. Malinis. Hulugan. Doon kami nanirahan. Tumigil muna ko sa panggagamot. Hindi ko alam, basta wala akong ibang nais gawin kundi ang alagaan at makasama si Tatay. Ginamit ko ang naipon ko sa Canada. Malaki laki din kasi iyon. Pasyal dito, pasyal doon. Basta’t sa loob lang ng Pinas.

Isang gabi sa loob ng silid ni Tatay…

“Anak… Pasyal uli tayo bukas ha..” habang hinihiga namin sya ni Maria sa kama.

“Po? Pwede bang next week na Tay? Baka mapagod ka eh”

“Malapit lang naman yun eh.. Doon sa dati mong paaralan noong elementarya. Tapos maglaro tayo.”

Natigilan ako habang kinukumutan sya, “Tay?”

“Sige na… Malapit lang naman yun hindi ba? Magtagu-taguan tayo doon. Pumunta ka sa kahit ano’ng silid at hahanapin kita.”

Batid kong may namimiss si Tatay. Ang nakaraan. Ngayon pang hindi ko na sya ikinahihiya. Ngayon pang alam ko na ang halaga nya. Gusto nyang balikan ang nakaraan gamit ang saya ng kasalukuyan. “Sig Tay pero baligtad. Ikaw po ang papasok, ako ang maghahanap, at dapat kasama nyo si Maria.”

At gamit ng ang aking kasikatan, napapayag ko ang punong tagapamahala ng paaralan. Kapalait ang pagiging panauhing tagapagsalita sa nalalapit na pagtatapos ng mga mag-aaral doon. Pagkatapos ng huling klase, nagsimula na ang laro namin ni Tatay. Ilang silid rin ang pinasok ko hanggang sa matagpuan ko sila ni Maria sa dulong silid malapit sa hardin.

“Boo! Nakita ko na kayo! Walng tatakas, maliban kaaaaaaay…. Maria!” sabay abot ng pera kay Maria, “Magmeryenda ka muna, text na lang kita  pag lalabas na kami.”

Niyakap ko ng mahigpit si Tatay. Gayundin sya at tsaka sinabing, “Nahuli ka bata. Ang tagal bago mo kami nahanap!

“Di po, traffic lang at tsaka ipinagluto ko pa kasi kayo para may mahahatid akong baon.”

“Palusot pa! Oh sya, ano ba yan?”

“Hulaan nyo….”

“Prito?”

“Hindi”

“May sabaw?”

“Pwede”

“May sarsa?”

“Opo”

“Paborito ko?”

“Opo”

“Bihira ko matikman?”

“Opo”

“Siken Kari?”

“Mang Yoyong yo da man! Chicken Curry is the laman tyan!”

‘Di ko pa sya tapos pakainin nang may sulat syang ibinigay sa akin mula sa kanyang bulsa. “Anak, gaya ng dati, pero mamaya mo na basahin. Inaantok na ako.”

“’Di nyo pa nga po ubos itong pagkain.”

“Busog na ako. Busog na busog sa pagmamahal mo. Salamat anak.”at sabay dighay. Nangilid nag luha sa aking mga mata’t nagyakapan kami. Hinalikan ko sya sa noo. Nagsising ngayon ko lamang ibinigay ang sukling hinihintay nya sa tuwing hahatiran nya ako ng baon. Ang pagtanggap at pagmamahal. Pero ilang segundo lang ay bumigay na ang maga kamay ni Tatay. Tila nangalay. Ngunit nanagalay nga lamang ba? Parang may kung anong bigat sa aking balikat, “Tay? Tay?” paulit ulit ko syang tinapik at pagharap ko sa kanya, isang mukha ng matiwasay na nakapikit na matanda ang aking nakita.

“Taaay… Taaaay..” ayaw pa rin nyang magising. Wala na akong naramdamang paghinga. Ang bigat ay buamaba na sa aking puso.

“Tataaaaaaaaaaaaaaaayy!!!!!!!!” sumigaw ako hindi dahil iyon ang karaniwang tagpo sa isang pelikula. Sumigaw kao dahil pilit kong pinapapaniwala ang sariling baka natutulog lang si Tatay at magising ko pa ito dahil sabi nga nya, inaantok lang sya. Pero ni hindi sya humihilik. Hindi na rin humuhinga.

Nagtuloy-tuloy na ang paghimbing ni Tatay. Binaon man sa lupa ang kanyang katawan, nanatili pa rin ang kanyang pagmamahal at mga paalaala. Iyon ang lagi kong kasa-kasama. Hindi na ako bumalik sa Land of Lillies. Nagtayo ako ng isang maliit na klinika malapit sa una naming tinirahan ni Tatay. Prayoridad ko ang mga mahihirap. Oo nga’t maliit ang kita kumpara sa dati kong tinatamasa. Pero mas mainam ito. Mga kababayan ko ang pinaglilingkuran ko. At ito ang hindi dapat ikahiya.

Araw na ng pagtatapos ng mga mag-aaral sa dati kong paaralan. Bilang panauhing tagapagsalita, gusto kong tumimo sa kanila ang bawat bagay na sasabihin ko. Namnamin nila hanggang sa isabuhay. Mga bagay –bagay na maaaring makapagpamulat sa kanila sa realidad ng buhay. Binasa ko sa kanila ang huling love letter ni Tatay.

Mga Payong ni Mang Yoyong

1. Hindi nakakahiyang ipinanganak kang mahirap, ngunit hindi rin dapat ipagmalaking tumanda’t namatay ka sa parehong estado.

2. Bakit ang mga banyaga kapag nagsabing “kemusta pow keyo?”, tinitilian, samantalang ang mga Pinoy kapag sinubukang mag-ingles, tinatawanan?

3. Kapag paulit- ulit ang pagtatanong ng mga lolo o magulang mo, sagutin mo ito ng kawili-wili dahil pulit ulit din nilang pinalitan ang mga lampin mo noon.

Ang sinumang nabibilang sa broken family ay walang karapatan magrebelde, pero mayroon pananagutang maging responsable’t mapagmahal na miyembro nito.

5. Walang masama kung panay ang pagtulog mo, pero hindi rin mabuti kung gumigising ka lanag upang matulog muli.

6. Walang karma, ang meron ay hustisya ng Panginoon.

7. Hanggat may iregularidad, may kalamidad.

8. Alin ang mas baduy. Ang pakikinig s OPM o ang pagkanta ng Korean song na ni hindi mo naiintindihan ang mga salita?

9. Gawing makasaysayan ang bawat minuto ng iyong buhay.

10. Huwag pakainin ng buto ang alagang aso. Nakamamatay.

Ang mga paalalang iyan ay matatagpuan rin sa harap ng himlayan niTatay.

Advertisements

About andee16

a person who always does things on her own, but never for her own..
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

17 Responses to Lants Baks

  1. taga-bundok ay nagsasabing:

    Uuwi na ako sa piling ng aking Ina.

    Hindi lang luha ang tumulo pati sipon ko.

    Tanong: Ano lang ang pwedeng ipakain sa aso?

    • andee16 ay nagsasabing:

      salamat sa paglike! 😀 paano mo nalaman ang link ko? 🙂
      sagot sa tanong mo? gaya ng kinakain ng isang normal na tao.. basta big no no ang sweets, spicy foods, at buto 🙂

  2. andee16 ay nagsasabing:

    sa mga nagtatanong, nag sumulat at ang bida ay magkaibang tao.. 🙂

  3. duking ay nagsasabing:

    ang ganda naman ng kwento mo. inspiring at maraming pwedeng matutunan lalo na dun sa mga payo ni mang yoyong. i would say na totoong kwento ito marahil at malamang sa malamang,kay daming may sakit na mahihirap ang napaghihilom ngayon ng doktora. at iyon ay dahil sa pag-aaruga ni mang yoyong.

    magandang araw!

    • andee16 ay nagsasabing:

      salamat mr.”duking” 🙂 ang ibang pangyayari sa kwento ay may bahid ng katotohanan, ang iba’y likhang isip lamang..
      magandang araw din sa iyo!
      sana lumaganap ang lahi ni mang yoyong noh? yung may ganoong kaisipan..

  4. metaporista ay nagsasabing:

    mas baduy naman talaga yung mga kumakanta ng korean song na di naman alam ibig sabihin ng mga salita. Tama si Mang Yoyong sa lahat ng iyon. Lalo na yung hangga’t may irregularidad, may kalamidad! salamat sa magandang kwento.

  5. Pingback: Ako naman ang magsusulat… « HIBANG {tagni-tagning ideya}

  6. dandansuy ay nagsasabing:

    Nakakaiyak, naalala ko toluy ang aking nanay na ang panagarap sa amin ay makapagtapos ng pagaaral. Minsan malalaman na lng natin ang kahalagaan ng isang tao pagsinasariwa ang mga nakaraan. Napakaswerte si mang yoyong kasi sa huling buhay nya inalagaan sya ng buong pagmamahal ng kanyang minamahal na anak at namihinga sya sa kanyang lupang sinilangan.

    Sa nag sulat, ipagpatuloy mo ang ganitong gawain, maging inspirasyon sa mga nanghihinang damdamin at sa nakakalimot sa mga nakaraan.

  7. goyo ay nagsasabing:

    nice story. inspiring. lagi talagang nasa huli ang pagsisisi. hanggat buhay ang mga taong mahal natin, ipadama natin sa kanila ang pagmamahal natin. 😀

    hahaha. natawa naman ako dun sa OPM vs Korean Song. Tae yung mga pinoy na patay na patay sa mga koreano, nakakabwisit.

  8. ghen "ganda" ay nagsasabing:

    …sumakit ang aking dibdib at di namalayan ang pagtulo ng aking luha…napakagandang likha at mensahe sa bawat isa….
    binabati kita sa iyong likha….tunay na nakakaantig ng damdamin sa isang anak, ama at higit sa lahat sa ating sariling bayan…

    ipagpatuloy mo ang paglikha ng mga malalim na kuwento at paglinangin ang iyong imahinasyon sa mas malawak na ideolohiya…
    ….ipinagmamalaki kita aking bunso at higit sa lahat si “MAI D GREYT”….

  9. dandansuy ay nagsasabing:

    tagalog ng email ay sulatroniko. hahahahaha. galing

  10. dandansuy ay nagsasabing:

    Sulatroniko.. tama ba ako? 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s