War Shock

Plak! Plak! Isang masigabong palakpakan

Nag-uumapaw ang aking kagalakan

Sa wakas! Ang pangarap ko ay nakamtan

Kabilang na ‘ko sa Hukbong Sandatahan

Kaboom! Kablam! Putok dito, sabog doon

Kasama sina Mistah, tuloy ang aksyon

Napuruhan na ‘ko ng kalabang lupon

Matira matibay pa rin ang solusyon

Blaaah!! Raaah!! Sumisigaw ako’t nagwawala

Umuwi akong saklay ang dala-dala

Misis ko’y gulpi lagi ang napapala

At kwelyo ni Junior, aking hinihila

Bang! Bang! Bang! Tama na!! Boom! Boom! Ayoko na!!!

Hindi ko na gustong manakit ng iba

‘Di naman talaga ako masama

Tulong.. Tulong.. Isa din akong biktima

About andee16

a person who always doing things by her own, but never for her own..
This entry was posted in ALI. Bookmark the permalink.

4 Responses to War Shock

  1. dandansuy says:

    May isang war shock sa aming lugar, pag sya’y nalalasing akala mo’y nasa gira, dapa dito baril doon, utos dito, sigaw doon. Ang tanong, tunay nga ba syang nagsilbi sa bayan? kung tunay nga, ako’y naaawa bakit sya pinabayaan ng kanyang pinagsilbihan; (marami sa ating bayan na nagsilbi at pinabayaan). Hindi kya dahil nangyayari to, dahil sa mga modernong holadaper?. Kya ngaun siya’y isang Biktima din?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s