Mga peste! Ang mga tulad nila’y peste sa daan
Oo, single ‘to pero sumusunod naman sa patakaran
Kung hindi ‘yung helmet ko, ‘yung angkas ang pag-iinitan
Pang-gasolina ko, napunta na sa kanilang kaban
Malas! Kung tawagin ko sila’y isang malaking malas
Pa’no, pagdating sa kanila ‘di ka pwedeng lumagpas
Nagkukulang boundary ko kasi puro sila bakas
Badtrip ‘yan Pre! Na-late ako kasi nag-counterflow sila
Muntik na nga nila ‘ko mabangga, sila pa galit ha
Bayaran daw sila kung ayokong tsekot ko’y mawala
Gets ko na ang style nilang daig pa ang sugal- sakla
Sila ang mukha ng holdaper sa modernong panahon
Imbes na pamunuang bawasan ang krimen sa nayon
Inaabuso ang lakas sa maling pagkakataon
Nakaka-magkano kaya sila sa isang maghapon?