adios..

ang nakaraan ay magsisilbi na lamang karanasan. ito’y magiging makabuLuhan kung babaLikan..

ikaw ay kabilang na lamang sa aking nakaraan. oo, mahapdi man para sa aking puso, nararapat ko na ring tanggapin. “nakaraan”?? tila nag-bibitak-bitak ang aking mga labi sa tuwing bibigkasin ko ang salitang iyon. may kung anong matalim na bagay ang unti-unting gumuguhit sa aking lalamunan pababa sa aking puso. ngunit gayunpaman, ang mundong aking tinatahak sa ngayon ay patuloy ang pagsigaw. walang tigil na pagsigaw. “dignidad! dignidad!”. tama, dignidad ang siyang tangi kong sandata upang matanto na ang buhay ko ay hindi na pwede pang uminog sa’yo.. hindi na dapat.. hindi na kailanman..

itigil na ang isang taong pagpapanggap! pagpapanggap na tuluyan na kitang nalimutan. maaaring nakagigising na ako sa umaga ng hindi mukha mo ang hinihiling na unang masilayan, ngunit sa aking isipan ay imahe mo pa rin ang siyang nakapinta. sinanay na lamang ako marahil ng panahon na wala ka sa aking piling. subalit, ang masaklap na katotohanan ay; hindi ako manhid. hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang iyong presensya sa aking bawat pag-iisa.. namatay man ang ating pagsasama, buhay na buhay ka pa rin sa aking ala-ala. ang nag-iisang lalaking aking minahal. inibig. inirog. sininta.

wala na nga yatang patutunguhan pa ang aking paghihintay.  sapat na ba ang isang taon at tatlong buwan upang matauhan sa katotohanan? katotohanang hindi ka na babalik pa.. ni  magpakita pa, ay lalong hindi.  hanggang doon na nga lang talaga tayo. ang pagpunta sa mga lugar na ating pinuntahan, pagbabakasakaling paglaruan tayong muli ng tadhana, tayo’y magkitang muli.. batid mo ba kung gaano kahirap at kasakit iyon?  sa umaga, mukha mo pa din ang pumupungas sa aking mga mata. tila isang kamay na nagpapawi ng aking antok. sabay pagpapalit dito ng sakit. dahil alam kong isa ka na lamang panaginip sa aking paggising. na sa oras na ako’y tuluyan nang namulat ay tuluyan ka na ring mawawala.  napakabigat sa pakiramdam ang bawat paggalaw ng wala ka sa aking tabi.  sa tuwing sasapit ang gabi ng aking malamig na pag-iisa. totoo, iba’t ibang kasiyahan ang aking pinupuntahan gabi-gabi. ngunit hindi ko hangad ang literal na katuwaang aking matatamo sa mga iyon, ngunit ang paglilibang.. ang pagpapatay ng oras. pagpapatay? sana nga, kasabay ng oras ay mamatay na rin ang aking hangal na pag-ibig para sa’yo. ngunit, sa aking pag-iisa. pilitin ko man ay ‘di ko pa rin mapigilan ang pagbabalik-tanaw.

pagbabalik-tanaw..

baguhan sa klase, ikaw at ang iyong mga kaibigan ay kusang lumapit sa akin. niyayang makisaya sa bahay ng isa sa inyo. sumama naman ako. sumunod na araw, naulit iyon. naulit ng naulit. siyang naging daan kaya tayo nagkalapit. tuluyang nagkalapit hanggang sa nahulog. ngunit teka.. teka.. mali.. hindi tama. nakalimot tayo. lalo na ikaw. nalimutang may isa pang bababeng nauna mong minahal. patuloy pa rin ang inyong relasyon sa kabila ng paulit-ulit niyang panloloko sa iyo. bigla na lamang siyang lumisan, kasabay noon ay ang paghihiwalay ninyo. at sa pagkakataong iyon, inihayag mo na ang iyong damdamin.  ang iyong pinipigil-pigil ngunit ‘di kayang pigilan na pag-ibig. kahit na sa aking sarili ay ayaw kong aminin na ako ay mayroon na ring lihim na pagtingin. labis ang iyong kabutihang ipinakita noon. labis! sa aking pag-iisa ay naroon ka.. kung may suliranin man, balikat mo pa rin ang aking nasasandalan. ngunit nilabanan ko pa rin ang aking puso. pinilit kitang iwasan.pinilit ng pinilit ng pinilit. ngunit isa akong talunan sa labang iyon. mahirap palang kalabanin ang sarili!

ika-25 ng Disyembre,2006, iyon ang pinakamasayang sandali natin. atin nang pinag-isa ang pag-ibig. tanggap ng ating mga pamilya, ngunit hindi ng mga kaibigan. gayunpaman, nagpatuloy pa rin tayo. makalipas ang isang buwan, muli siyang nagbalik at binabawia ng aniya ay “kanya”. ikaw.  labag man sa aking dignidad ay pinapili kita. ako nga ang iyong pinili ngunit sa loob ng ilang buwang pagsasama ay patuloy mo pa rin siyang kinatatagpo ng palihim. para akong isang henyong nagpapakadalubhasa sa isang pagsasaliksik. pagsasaliksik ukol sa mga paraan upang masolo ko ang iyong puso. hanggang sa nagksundo na tayong magpakasal. iyon na yata ang pinaka maligayang sandali sa buhay ko. sa harap ng maraming ‘di kilalang tao ay sinabi mong pakakasalan mo ako.  hindi ko na inintindi ang ating kabataan noon dala ng sobra sobrang kaligayahan! tila isa kong dahon na patuloy ang paglutang sa hangin, sa sariwang hangin. ang mga anghel ay umawit sa aking mga tenga. may pistang naganap sa aking puso. ang mga bituin ay namalagi sa aking mga mata.

ngunit sa araw ng kasunduan ay bigla ka na lamang nawala. hanggang sa pinatunayan ng iyong pamilya at ng lahat na tuluyan mo “siyang” binalikan.

ikinumpara ninyo ako sa isang basurang basta na lamang itinapon matapos tapak-tapakan.

ngayon, ang tanong ay: ang “nakaraan” ay isa na bang “karanasan” na dapat pang “balikan” upang bigyan “kabuluhan”?

isa ka na lamang ala-ala sa aking mapait na nakaraan..

About andee16

a person who always doing things by her own, but never for her own..
This entry was posted in missives....... Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s